Social Icons

Monday, May 27, 2013

(҂⌣̀_⌣́)ᕤ *Pride*





\ (•◡•)/ : WAHAHAH!!!! SA WAKAS AT NAKA-GRADUATE DIN AKO!!!
                hahahhaa!!! nakatapos din ako ng highschool! wala na akong problema ngaun buti naman.

(҂⌣̀_⌣́)ᕤ : Hoy kupal wag ka nga maingay...

(⊙_☉) : HUH?!!... Pasensya na ...pero teka... sino ka?

(҂⌣̀_⌣́)ᕤ  : Anu ba'ng pakialam mo sa kung sino man ako?

(⊙_☉) : eh....uhhhmmm... kasi po basta nalang kayo sumingit sa kasiyahan ko eh....

(҂⌣̀_⌣́)ᕤ : Eh kasi naman, ang ingay ingay mong tang ina ka. porke naka graduate ka lang ng
 High School nagyayabang ka na dyan!

(⊙_☉) : Hindi naman po sa nagyayabang... nag se-celebrate lang naman...


(҂⌣̀_⌣́)ᕤ: Panu kung sabihin ko sayo na wala pang kwenta yan pinag-aralan nyo sa High School!
at dahil ang bababa naman ng grades mo mahihirapan ka pang kumuha ng mapapasukang College!

(>.<) : TEKA NGA LANG!!! SINO KA NGA BA ULET???!! AT ANUNG GINAGAWA MO DITO!?

(҂⌣̀_⌣́)ᕤ : Sinabi ko na wala kang pakialam kung maging sino man ako... at nandito lang naman ako
para basagin ang self-confidence mo...

(>.<)  : At bakit mo naman gustong basagin ang confidence ko?

 (҂⌣̀_⌣́)ᕤ: Wala trip trip ko lang... bored ako eh kaka graduate ko lang din kasi ng high school at wala akong magawa, kaya ibabagsak ko nalang pagkatao mo, dahil hindi ka naman ganoon ka interesante,
gagawin kong interesante ang buhay mo...


(ಠ___ಠ) :(Malaki pala ang ulo nito...buti alam ko kung panu makihalubilo sa mga ganyang tao)
 Kung ang trip mo lang din naman ay basagin ang aking confidence!, ay bigyan mo naman
ako ng kahit konting ''karangalan'' na malaman ang pangalan mo..!!

 (҂⌣̀_⌣́)ᕤ : Sya sige dahil alam ko namang napaka interesante kong tao at gustong-gusto ng mga tao
na malaman kung sino talaga ako... Ako si Pedrito Rogelio Ignasio De Enriquez... Pride for short..

(ಠ___ಠ) : Bagay na bagay sayo ang palayaw mo... Bakit ba sa dinami-dami ng tao sa mundo
ako pa ang napagtripan mo?

 (҂⌣̀_⌣́)ᕤ: Kasi wala ka pang nararating sa buhay mo.. kaya tutulungan kita!

(ಠ___ಠ) : Pano mo naman makakatulong ang pagbasag ng confidence ko?... teka.. diba sabi mo kakagraduate mo lang din naman ng High School, parehas lang naman tayong wala pa ring nararating!

 (҂⌣̀_⌣́)ᕤ: BASTA! I know better Bitch! wag mo nga akong kinukwestyon!

(ಠ___ಠ) : Eh panu kung ayaw kong magpatulong sayo?


 (҂⌣̀_⌣́)ᕤ : Sa tingin mo ba may magagawa ka?? HAHAHA!!! Kahit san ka pumunta,
 kahit tumanda ka pa, hanggang sa mamatay ka na! hindi ako mawawala sa tabi mo!

(ಠ___ಠ) : Anu ba yan! Akala ko wala na akong problema pagkatapos ng high school! Umepal pa to!

 (҂⌣̀_⌣́)ᕤ : Wag ka na nga umangal diyan! Dali na! Tara! Tumayo ka na diyan at aalis tayo!


(⊙_☉) : Hah? Saan tayo pupunta?

 (҂⌣̀_⌣́)ᕤkahit saan! kesa naman nka higa ka lang diyan at naka tunganga sa ding-ding!

(¬__¬)WEW! sige na nga!

*Prologue 1 .. FIN.*..

 





No comments:

Post a Comment